A Life Never Wasted for Christ Pt. 2
How would you define a Christian? - a person who believes and follows Christ Jesus.
Paano nga ba ang buhay ng isang Christian noong unang panahon?
Let’s dive into Romans 16:3-16 at tignan natin kung ano ang klase ng mga buhay ng mga nabanggit na pangalan ni Pablo sa kanyang sulat.
Mga Taga-Roma 16:3-16, MBB
3 Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus. 4 Itinaya nila ang kanilang sarili sa panganib upang iligtas ang aking buhay, at hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila, pati na rin lahat ng iglesya ng mga Hentil. 5 Ikumusta rin ninyo ako sa iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay.
Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia. 6 Ikumusta ninyo ako kay Maria na matiyagang naglilingkod para sa inyo. 7 Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan; sila'y kilala ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa sa akin.
8 Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon, 9 kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Cristo, at sa mahal kong kaibigang si Estaquis. 10 Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo, 11 sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso.
12 Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na marami nang nagawa para sa Panginoon. 13 Binabati ko rin si Rufo na magiting na lingkod ng Panginoon, at ang kanyang ina na para ko na ring ina; 14 gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila. 15 Binabati ko rin sina Filologo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at ang lahat ng kapatid na kasama nila.
16 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.
Every Believers are Coworkers in Christ (3-4)
Si Pablo ay hindi lamang nag iisa sa ministry na ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoon, dahil kahit saan s’ya magpunta ay mayroon siyang kapwa manggagawa na nakakatulong sa Ministry tulad ni Priscila at Aquilla.
Sila ay mag asawang Tentmaker - mga gumagawa ng leather tent. Bagamat sila ay business people noong unang panahon, ang tent making ay hindi isang napakalaking business, pero sa kabila ng mga bagay na ‘yon. Sila ay nagiging kagamit-gamit para sa gawain ng Panginoon.
They use their own resources and own skill to help Paul, kahit sa mga pinaka delikadong sitwasyon dahil sila nila Pablo ay kapwa ka-manggagawa at lingkod para sa Kaharian ng Diyos. Hindi lamang sila magkapamilya sa pananampalataya, mag coworkers din sila in Christ.
We are saved to served, therefore every believers are all coworkers in Christ.
God Remembers Every Faithful Service (vv. 5-15)
Every little faithful Service will always be Remembered, tulad na lang ng sulat na ito ni Pablo, when the Holy Spirit guides Paul to write this letter, God has a purpose why these names have to reach our generations today: ito ay ang even the slightest of effort natin towards our faithfulness to God and to His will always be remembered at ang mga ito ay aanihin natin sa langit balang araw.
Even an effort to build a relationship with people, tulad ng nabasa natin. They are mentioned because they treat each other not just another person, but a family - equally important as themselves in front of God.
Don't hesitate to act on your faith, in serving the ministry, because every faithful act of a servant will never go to waste.
Every Believer is a Significant Member of The Church (v. 16)
Sa tagalog, “Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.” Ang pinakang reference natin when it comes to love is the love of God that is displayed through Christ. Through greetings ipinapakita natin kung gaano kahalaga ang presence ng isang tao sa kanyang pagdating. Bilang magkakapatid naman sa pananampalataya ipakita natin sa ating mga kapatid ang pagpapahalaga ni Cristo Hesus para sa atin noong siya ay namatay, upang bayaran ang ating mga kasalanan at marasanan natin ang kagandahang-loob ng Diyos.
Pahalagahan natin ang ating kapatid sa pananampalataya kung paano din tayo pinahalagahan ng Diyos, noong si Cristo Hesus ay namatay para sa atin kahit tayo ay makasalanan pa. Sa pamamagitan ng isang mapagpakumbabang puso na itinataas ang bawat isa para sa ating sama-samang paglago sa pananampalataya.
Sa ating paggamit ng ating buong lakas, at kakayanan, kahit minsan ay ginagamit natin ang sarili nating bulsa para sa kapatid sa pananampalataya at para sa ating paglilingkod sa Church, tandaan natin na ang bawat effort na ito, kung sasamahan natin ng faithfulness, ang lahat ng ito ay hindi masasayang. Therefore, our daily lives will never go to waste when they are lived for the building up of the body of Christ and for the glory of God.

0 Comments Add a Comment?