← Back Published on

Living as an Instrument of Hope

Gaano kahalaga ang iyong public testimony?

Yung mga taong nakaka-witness ng buhay mo, they can use your testimony to inspire other people. Kaya, kung hindi na mentioned itong mga names na ito hindi natin malalaman ang kahalagan kung bakit sila kasama ni Pablo at isinama ni Pablo sa kanyang huling pagbati.

Let’s check out this final greetings of Paul, at talakayin ang mga testimony ng mga lingkod na binanggit ni Pablo sa mga talatang ito.

Roma 16:21-23

21 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kababayan kong sina Lucio, Jason at Sosipatro.
22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa pangalan ng Panginoon.
23 Kinukumusta kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng ating kapatid na si Cuarto.

Gaya ng mga names na nabanggit dito, let’s check and be chalenged kung paano sila namuhay as an instrument of hope.

Living as an Instrument of Hope Through the Church Mission

These people lived as an instrument of hope sa pamamagitan ng pagtulong sa mission ng iglesia.

Una, si Timoteo, tinutulungan niya si Pablo sa mga Pastoral works sa ibat-ibang mga iglesia. Si Timoteo ay madalas na kasama ni Pablo kaya siaya din ang madalas niyang nakakatulong sa ministry.

Pangalawa, ay si Sosipatro/Sopater na anak ni Pirro mula sa Berea naman na magiging companion ni Pablo sa pagdadala ng mga relief collection papunta sa Jeusalem. 

“Sumama sa kanya ang taga-Bereang si Sopater na anak ni Pirro …” 
Mga Gawa 20:4

Pangatlo, naman si Erasto isang City Treasurer sa Corinth. Ibig-sabihin isa siyang high ranking official sa Corinth. He also helped Timothy in the ministry and also one of the pillars in the Churches in Corinth.

"Pinauna niya sa Macedonia sina Timoteo at Erasto, dalawa sa kanyang mga kamanggagawa, at siya'y tumigil sa Asia nang kaunti pang panahon."
Mga Gawa 19:22
22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati sa inyo sa pangalan ng Panginoon.
Roma
16:22

The common denominator with this three name na na-metioned ni Paul is their willingness to be used for the ministry. Si Timoteo ay na disciple ng kanyang magulang for his early age at malalaman kung babasahin natin ang sulat ni Pablo kay Timoteo na ito ang isa sa malamim na pundasyon ng paglilingkod ni Timoteo. Ganoon din si Sosipatro, kilala ang iglesia ng Berea sa kanilang malalim na kaalaman sa salita ng Diyos, at makikita nman natin ang kahalagahan nito sa desire na maglingkod ni Sosipatro. At si Erasto, kahit sakabila ng kanyang mataas na katatayuan sa lipunan at financial status, ay pinili pa ding maglingkod.

These three people ay ang ebidensya na ang malalim na kaalaman/pagkakakilala sa Diyos ay siguradong nagbubunga ng pagpapakumbaba at paglilingkod ano pa man ang katatyuan sa buhay.

Living as an Instrument of Hope Through Your Skills

Si Lucio, isang Prophet and Teacher sa Antioch.

"May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Maitim, Lucio na taga-Cirene . . ." 
Mga Gawa 13:1

Tercio, isang scribe at ang nagsulat ng liham ni Pablo para sa mga taga-Roma. Ang mga scribes ang ilan sa may pinaka-mahalagang role kung bakit tayo mayroong Bagong Tipan ngayon sa ating Bible. Napakahalaga ng mga Scribes noong unang panahon, dahil sa panahon nila ay hindi lahat ay nakakapag-basa at nakakapag-sulat. Tanging oral communication lamang ang pinakang way of communication ng maraming tao. Dahil kaunti lamang ang populasyon noong unang panahon ang marunong magbasa.

Talents and skills were both gift from God. Kung mas nanaisin ni Tercio na mas kumita, gugustuhin niyang huwag na lamang niyang ubusin ang kanyang oras sa pagsusulat ng mensahe ni Pablo para sa mga taga-Roma, at gamitin na lamang niya ito para sa kanyang sarili. Pero, inilaan niya ang kanyang skill at ang kanyang oras para maglingkod at isulat ang isa sa pinaka-mahalagang sulat na naitala sa panahon natin ngayon. Ganoon din si Lucio na isang propeta - a prophet is someone who speaks on behalf of God. Ito ay ang pagpapadala ng mensahe mula sa Diyos, like preaching the Word from the Scripture. Kung nais unahin ni Lucio ang kanyang pansariling pangagailangan. Maaring gamitin na lamang niya ang kanyang kakayahan para magturo para sa kanyang personal na interes. Pero, ginamit niya ito upang ibahagi ang katotohanan at ituro ang katotohanan na nagmumula sa ating Banal na Kasulatan.

Sa pamamagitan ng pag gamit ng ating talent and skills para sa ministry ng church at para sa kaluwalhatian ng Panginoon, tayo ay nagiging isang instrument of hope at mabuting katiwala ng skill na ibinigay sa atin ng Panginoon.

Living as an Instrument of Hope Through Generosity

Ang other term ng Generous sa tagalog ay pagiging bukas-palad.

23 "Kinukumusta kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. "
Roma 16:23

Si Gaius, isang mayaman na taga-Corinto, host and benefactor of Paul. Sa bahay ni Gaius, nagga-gather ang ibang mananampalataya sa Corinto. At sa bahay din niya nakatuloy si Pablo, kasama na din ang iba pa niyang mga companion.

Jason of Thessalonica, who risked his life and property during the violent riot in Thessalonica.

"5 Ngunit nainggit ang mga Judio, kaya't tinipon nila ang mga palaboy sa lansangan at sila'y gumawa ng gulo sa lungsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason at pilit na hinanap sina Pablo at Silas upang iharap sa bayan. 6 Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid at iniharap sa mga pinuno ng lungsod. Ganito ang kanilang sigaw: “Ang ating lungsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating, 7 at sila'y pinatuloy ni Jason. Nilalabag nilang lahat ang mga batas ng Emperador. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala'y Jesus.” 8 Kaya't nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lungsod dahil sa sigawang ito. 9 Si Jason at ang kanyang mga kasama'y pinagmulta ng mga pinuno bago pinalaya."
Mga Gawa 17:5-9

Parehas silang nagpakita ng pagiging-bukas palad. Generosity is not always about money, it is also about being always available - being open handed to help. Si Gaius, sa kabila ng kanyang yaman, he did not stand above all he also serves in the mission tulad ni timoteo at ni Erasto, at hindi lamang iyon, ang kanyang tahanan ay bukas para sa mga lingkod ng Diyos at para sa Church upang sa kanilang tahanan makapag gather for worship. Dahil alam niyang kaya nya. Si Jason, sa kabila ng inconvenience, pilit pa rin niyang tinulungan si Pablo kahit pa ito ay alam niyang maaaring mag bunga sa kanyang persecution, na siya ngang nangyari sa kanya.

Sa kabila ng abala at extra mile na maaaring maging dulot ng pagiging laging bukas palad para magbigay at tumulong, si Gaius at si Jason ay naging instrument of hope through their generosity.

Kahit sa pinakamaliit na bagay na magagawa mo para sa gawain ng Panginon, you can still live as an instrument of Hope.

Tulad ni Cuarto. Hindi siya katulad ng mga taong unang nabanggit na malalaki ang nagawa para sa minsitry. Pero kasama padin siya sa huling pagbati ni pablo dahil malaki ang naidulot ng kanyang prisensya habang sinusulat ang liham na ito.

"Kinukumusta rin kayo . . . ng ating kapatid na si Cuarto."
Roma 16:23

At dahil sa pangalan ng mga taong ito, nakapag pakita sila ng isang magandang relasyon para sa ibang mga iglesia sa Roma.

Tulad ng mga testimonies ng mga names na nabanggit dito sa ating mga talata, we can also live as an instrument of hope sa pamamagitan ng mga bagay na meron tayo ngayon.

And all of these names were mentioned to established a good relationship in all of those involved churches - corinth, thessalonica, Berea and Jerusalem, greeting to Rome. Yung testimony na meron sila, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang lahi ang nagpapakita na despite of the diversity of all Christian we are also united by one God through our Lord Jesus.

Obedience, when it seems inconvenient, service when it seems irrelevant, and generosity when it seems more important to save up for more for yourself, are the borderline between a Christian who has the true heart of a servant and a person who just sit and say he/she is a Christian just only through his/her word.

Paano ka nagiging mabuting katiwala sa lahat ng mga bagay na ipinagkaloob sa'yo ng Diyos?

You can live as an Instrument of hope, willingness lang ang kailangan mo tulad ng mga pangalan na nabanggit ni Pablo sa kanyang panghuling pagbati sa mga taga-Roma.