← Back Published on

Living in Grace in This Corrupted World

Every Christians are now living in freedom, ang ibig-sabihin nito ay lahat tayo ay malaya na mula sa kadena ng kasalanan - malaya na tayo sa kasalanan, at kaya na nating tanggihan ang masamang takbo ng mundong ito. Pero, sa point-of-view ng isang hindi Christian ano ba ang pagkakaiba ng Anak ng Diyos sa taong hindi mananapalataya?
Ito ay ang pamumuhay natin under the grace of God, na we are aware of God's grace and what it has done dahil sa ating mga kasalanan.

Makikita natin dito sa Luke 6:27-36, and difference ng taong namumuhay under the grace of God as His children at ng taong hindi pa nararanasan ang grace ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Cristo Hesus.

Lukas 6:27-36,MBB

27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.
28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.
29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit.
30 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon.
31 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.
32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila.
33
Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan!
34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran.
35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat.
36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”


"Living in Grace means being dependent on the Father to respond to wrongdoing." (vv. 27-30)

Ano ba ang ibig-sabihin ng mga examples ni Jesus sa verse 29-30 after nyang sabihin ang verses 27-28?

29a "Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila"

Sa Jewish culture ang pag sampal sa mukha ay hindi lamang isang physical violence, ito din ay isang paghamak o paghihiya sa isang tao. Jesus describes extraordinary forgiveness as choosing not to repay the same wrongdoing that has been done to you and refusing to put justice into your own hands

29b "Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit."

Jesus describes extraordinary generosity and a refusal to cling tightly to possessions. Ang mas pahalagahan ang pagsunod sa Diyos more than personal property.

30a "Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo;"

The emphasis is to be known for our open-handed generosity rather than self-protection, imbis na tulungan lamang ang mga taong maypakinabang lamang sa atin.

30b "at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon."

Kapag kinuha ang sarili mong ari-arian, ang ibig-sabihin nito ay stealing. This means kung ninakaw ang iyong ari-arian, don’t put justice into your own hand, rather, entrust justice to God given governing authority and to God's ultimate justice.

Itinuro ni Hesus sa pamamagitan ng mga example na ito, kung paano ipapakita ang pag-ibig, paggawa ng mabuti, pagpapala at pananalangin para sa taong namamahiya at nanghahamak sa atin, through willingness to endure insult for God's sake sakabila ng ating nararandaman at emosyon.

We need God's grace upang matutunan nating ipamuhay ang mga ito, kung hindi natin nararanasan at hindi tayo dependent sa grace ng Diyos, hinding-hindi natin maisasabuhay ang love, goodness, generosity and mercy na nag mumula sa ating Diyos Ama upang maging instrument tayo ng blessing at matutunan nating ipanalangin kahit ang mga taong umaaway sa atin.

"Unless a person is a Child of God who has experienced God's love, grace, mercy and goodness hinding hindi niya matututunang isabuhay ang mga principle na ito na sinabi ni Jesus."

Maisasabuhay lamang natin ito by the grace of God and not by our own strength.

The Golden Rule:

31 "Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo."

This is the very heart of the command in these verses.

This is called the Golden rule in Jewish culture, because this fulfills all of the illustration Jesus has given from verses 27-36. Ito ay galing sa Jewish law, sa Leviticus.

Leviticus 19:18, ESV

"you shall not take vengeance or bear a grudge against the sons of your own people, but you shall love your neighbor as yourself: I am the Lord."

"Living in Grace is loving others beyond the standards of this corrupted world." (vv. 33-35)

32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila.
33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan!
34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran.

Kung i-connect natin itong three verses na ito, galing sa quoted version ni Mateo.

Mateo 5:46 

“Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis?

Ang isang tax collector ay isa sa mga common na tao na tinatawag ding mga corrupt sa panahon nila. Ibig-sabihin If you will chose whom you will show love, mercy, blessing, goodness, and if you will only choose to pray for those who only benefits you, wala kang pinagkaiba sa mga corrupt na tao tulad ng tax collector. Therefore there is no difference sa isang makamundong tao at sa isang Christian kung ikaw ang magiging example of comparison. Ikaw na pinipili mo lang kung sino ang papakitaan mo ng kabutihan. Wala kang pinag kaiba sa mga corrupt na tao tulad ng Tax collector sa panahon nila Jesus.

We do not live according to the standard of this world, but we live beyond the standard of this world dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na ating nararanasan.

35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat.
36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

And the bottom line ng lahat ng sinabi ni Hesus: ginagawa natin ang lahat ng ito, hindi dahil gusto nating maging anak ng Diyos, kundi dahil tayo ay mga anak na ng Diyos na nararanasan na ang Kanyang grace. Dahil kung nararanasan natin ang Kanyang grace marapat lamang na ito din ay maranasan ng ibang tao sa pamamagitan ng buhay natin.

This kind of mindset is our lifestyle, ito ang klase ng buhay na mayroon tayo as children of God. Dahil ito din ang klase ng mga katangian na mayroon ang ating Ama. Ito din ang isa sa mga ginagawa natin na sigurado tayong gagantimpalaan sa langit, because this kind of mindset is really a step of faith.

Tandaan natin, even when we were not in Christ, God is already showing His love, generosity, goodness and His blessings, when we were ungrateful to Him and not acknowledging him in praise and in worship. He blesses through His creation kahit ungrateful tayo, pinapasikat pa din Niya ang araw para sa ating lahat, binibigyan ng ulan at hinahayaang makakain mula sa Kanyang mga nilikha, at binibigyan ng opportunities. Ginagawa na Niya lahat ng yan kahit noong hindi hindi pa tayo sumasampalataya, and now He bless us more, more than physical things, dahil pinagpapala din Niya tayo ngayon with Spiritual Blessings because of our faith in Him.

God display His mercy when Jesus Christ died on the cross for the sake of those who believed and will believe in Him. We see God’s mercy through Christ when God did not put the penalty of our sins on us and put it into Jesus Christ. That’s his mercy when he removed the penalty na dapat ay sa atin, mula sa ating kasalanan. Naranasan natin ang Kanyang grace noong binigyan Niya tayo ng isang regalo sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus - ang buhay na walang hanggan na nakamtan natin sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.

"Unless a person is a child of God, he can never truly learn the love, goodness, and mercy that are found only in the grace of our Heavenly Father through Jesus Christ and the guidance of the Holy Spirit."

In this corrupted world, hindi lamang ang mga politicians and corrupt bagkus, and bawat tao na-inaangking kanila ang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ng walang gratitude. Bilang isang Christian paano mo maipapakita ang kagandahang-loob ng Diyos (God's grace) sapamamagitan ng buhay mo?

Remind yourself of what He has done to you, look at the Scripture, kung paano ipinapakita sa ating ng ating Diyos ang Kanyang Grace, Love, Goodnes, Mercy, at kung paano Niya tayo bine-bless sa araw-araw. Sa gayon, matututunan din natin itong ipamuhay sa ating kapwa, kahit sa mga taong hindi kaibig-ibig at ungrateful.