The Life Long Journey of a Believer
In chapter 3 of Paul's letter to the Philippians, sinasabi ni Pablo na mas mahalaga ang relasyon na mayroon siya kay Cristo kaysa sa mga bagay na maaari niyang maipag mayabang noong hindi pa siya mananampalataya, sinasabi din dito ni Pablo na hindi sa nakamtan na niya ang full knowledge of of Jesus Christ at hindi din sa siya ay perfect na. bagkus, ito ay isang bagay na nais niyang angkinin.
Basahin natin ang sinabi ni Pablo sa verse 12,
Philippians 3:12
12 Not that I have already obtained this or am already perfect, but I press on to make it my own, because Christ Jesus has made me his own.
Ito ang ilan sa mga bagay na matutunan natin dito sa verse 12 ng chapter 3 ng Philippians,
Christian Life is a Lifetime Pursuit of God
Kahit si Apostol Pablo na masasabi nating mas malalim ang relasyon sa Diyos kaysa sa atin, ay sinasabing hindi pa din niya nakakamtan ang full knowledge of Christ, at maging mayroon pa din siyang pagkukulang - hindi perfect.
'Not that I have already obtained this or am already perfect'
Spiritual Maturity is when you acknowledge that you still lack of knowledge of everything, and you acknowledge that you are still prone to sin and mistake.
Alam natin na katulad ni Pablo ang buhay natin ay may rooms padin for mistakes and sin,
ano ang magiging tugon natin?
May pagpapakumbabang magpabago sa kalooban ng Diyos araw-araw.
Maging comfort ito para sa atin na, ang pagkakamali ay hindi ang dulo ng lahat ng bagay, maaari tayong mag pakumbaba at humingi ng tawad sa ating mga pagkakasala at pagkakamali
May pagnanais na hanapin ang Salita ng Diyos araw-araw
Ang layunin natin kung bakit natin binabasa ang Salita ng Diyos ay ang matuto sa bawat istoya mula sa ating mga binabasa, at malaman kung ano ang mga principle na matutunan natin sa buhay nga mga naunang mananampalataya at sa mga turo directly na sinabi ng mga prophets, sinabi ng Diyos at ng Panginoong Hesus.
Dahil,
Ang tunay na paglago ay hindi nagsisimula sa pag-aakalang alam mo na ang lahat ng ng bagay, kundi sa pag-amin na kailangan mo ang Diyos sa bawa't araw ng buhay mo, upang magpabago at matuto.
Dahil araw-araw tayong nagpapabago sa kalooban ng Diyos, kaya tayo ay nagsusumikap na lumago.
Spiritual Maturity is a Lifetime Marathon of actively working to know Christ and to let go of our Sin
Dahil alam ni Pablo na hindi pa niya nakakamtan ang lahat ng ito (full knowledge of Jesus Christ), kaya siya ay nagsusumikap na makapamtan ang lahat ng ito, at ito ang nakikita niyang napakagandang makamtan na gantimpala: Ikaw ay nagsusumikap na sumunod sa kalooban ng Diyos dito sa mundo, dahil alam mo na ito in ay makakamtan mo sa tamang panahon ayon sa kalooban ng Diyos para sa'yo. Ito ang ating pag-asa.
'but I press on to make it my own'
Someday, ang mga nagpatuloy sa kanilang pananampalatay ang mga tatawagin ng Diyos na mga mananagumpay,
Romans 8:37-38
37 No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us. 38 For I am sure that neither death nor life, nor angels nor rulers, nor things present nor things to come, nor powers, 39 nor height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord.
Dahil nakita natin sa reflection ni Pablo na ang ating paglago sa pananampalataya ay isang Marathon:
Paano tayo magiging ative sa ating paglago para makilala si Kristo ay lumayo sa Kasalanan?
Make your Obedience to God a Response to His Grace and Mercy
Kaya tayo nag susumikap ngayon sa pagsunod ay dahil alam natin na ito na lamang ang ating maibibigay na karapat-dapat na pagsamba para sa ating Diyos na nag bigay sa atin ng buhay upang makamtan natin ang libreng kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan.
Obedience in Faith means following the Conviction of Your Faith.
Yung konsensya o yung dikta sa atin ng ating pananampalataya, ay ang mga bagay na itinuturo sa atin ng Banal na Espiritu na nasa atin.
Finally, makikita natin sa reflection na ito ni Pablo para sa mga taga-Filipos na ang . . .
Spiritual Growth Begins when we Acknowledge that Christ made us His own
Ang Reason kung bakit natin tinatatawag na Panginoon si Jesus, dahil siya ang ating Master at tayo ay kanyang mga servant. Ito ang ibig-sabihin that Christ Jesus has made us His own: tinubos Niya tayo sa ating mga kasalanan at Siya ngayon ay atin nang Panginoon.
This brings us back to the idea of servants noong unang panahon,
Ang identity ng mga servants noong unang Panahon ay nagmumula sa kanilang kanilang Master. Ang mga servant ay walang sariling identity kundi sa kanilang Panginoon: Ang kanilang entire life, kanilang pangalan, damit, pagkain, and their future is only defined by their Lord.
'because Christ Jesus has made me his own'
We know who we are when we know our identity, at malalaman kamang natin yun kung doon tayo lalapit sa Diyos sa siyang lumikha sa atin.
Dahil si Hesus ay ating Panginoon, at tayo ay kanya,
ano ngayon ang ibig-sabihin nito para sa atin?
Let God write our own Story.
Sa buhay na tinatahak mo ngayon, nasaan ba si Lord sa mga plano mo?
Halimbawa, nag-aaral ka kasi gusto mo maging engineer. Pero noong nagkaroon ka na ng sarili mong Construction company at na-offeran ka ng malaking kick back galing sa mga flood control projects nasilaw ka na sa kinang ng pera. Gusto mong maging engineer, pero iniiwan mo na ang conviction ng iyong pananampalataya, para lamang sa pangsarili mong nais. Si Pablo, noong nakita niya ang Panginoong Hesus sa daan papuntang damasco (Acts 9). Doon din nagsimula na isuko niya ang mga personal niyang plano sa sarili niya para sa kalooban ng Diyos, at makikita natin ito sa napakaraming senaryo sa buhay ni Pablo sa aklat ng Mga Gawa (Acts).
Tanungin mo yung sarili mo, bakit ka ba nag susumikap na maabot yang pangarap mo ngayon? Para ba balang araw, kapag mayaman ka na ay hindi mo na kailangan ng pananamapalataya dahil kayang mo nang mabuhay sa sarili mong pera?
If Jesus Christ already made us His own,
what should be our response to His Lordship?
Surrender Your Future to God and Obey His will
Naalala ko yung thought mula sa sinabi ng isang writer sa libro na nabasa ko noong 2016, Dito sa mundo, ang salitang surrender, at pagtataas ng kamay para ipakita ang pagsuko ay nagpapakita ng kahinaan, pero para sa ating mga sumasampalataya, when you surrender your life to God, dito nag sisimula ang ating kalakasan.
Surrendering ourselves to God may cost us something: This will may cost us something, may cost us suffering, may divide us from our friend, family, it may cost your long time na pangarap. Pero kahit kailan hindi natin pagsisihan ang satisfaction na ibibigay sa atin ng ating pagsunod sa ating pananampalataya - sa conviction na dulot ng banal na Espiritu sa ating mga kalooban.
At para maging mas malakas ang conviction ng ating pananampalataya…
'Surrender your life Daily to God.
Ang ating buhay ay parang isang marathon, at ang ating takbuhin ay ang ating pagkilala sa Diyos na lumikha sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Hesus. ibig-sabihin, araw-araw tayo ay tinuturuan ng Diyos. Ang kailangan na lang natin ay matuto upang ma-abot natin ang ating layunin,
Lumalago tayo sa ating pananampalataya dahil sa ating pag press on upang makamtan natin kung ano ang nais ng Diyos para sa atin, kaya gawin natin na ang ating pagsunod ay ating pagtugon sa masaganang awa at kagandahang-loob ng Diyos.
And Finally ginagawa natin ang lahat ng ito, dahil ang Diyos ay ating Panginoon. I-set aside na natin yung ating mga selfish desire na hindi magdudulot sa atin mga mga eternal na gantimpala at isurrender natin ang ating mga buhay sa Diyos na siyang karapatdapat paglaanan ng lahat sa atin.
Nawa, as we continue in our vision (as New Hope Comunnity Church -LIving as an Instrument of Hope), itong buhay natin ay makapag impluwensya ng mga tao na susunod din sa kalooban ng Diyos kung paano tayo sumusunod sa kanya.
Because Christ Jesus has graciously made us His own, we continually pursue knowing Him and becoming like Him until the day we are perfected in His presence.

0 Comments Add a Comment?