To the Only Wise God Be Glory and Praises Forevermore
Sa closing doxology ni Pablo ay binanggit muli niya ang mga bagay na kanyang nasabi sa kanyang pang bungad na pagbati, at ibinabalik din tayo nito sa lahat ng mga sinabi ni Pablo - Ang lahat ng mga patungkol sa ating Panginoong Hesu-Cristo at sa dakilang gawa ng Diyos ayon sa kanyang mga plano. Tignan natin ang huling bahagi ng sulat ni Pablo para sa mga taga-Roma.
Roma 16:25-27, MBBTAG2012
25 Purihin ang Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon, 26 subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta, upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
27 Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.
Romans 16:25-27, ESV2001
25 Now to him who is able to strengthen you according to my gospel and the preaching of Jesus Christ, according to the revelation of the mystery that was kept secret for long ages 26 but has now been disclosed and through the prophetic writings has been made known to all nations, according to the command of the eternal God, to bring about the obedience of faith— 27 to the only wise God be glory forevermore through Jesus Christ! Amen.
Three Reasons kung bakit natin dapat purihin at luwalhatiin ang Diyos, dahil sa Kanyang ganap na karungungan ang makikita natin sa mga sinabi ni Pablo.
Kung ating maitatanong, Bakit nga ba ganap ang karunungan ng Diyos? At bakit natin Siya dapat purihin at luwalhatiin? These are the three reaons,
Una, karapatdapat nating luwalhatiin ang diyos dahil he establishes His people through the gospel.
God Establishes His People Through the Gospel
Karapatdapat nating purihin at luwalhatiin ang Diyos dahil, Pinanatiling matatag ng Diyos ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Gospel.
Purihin ang Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko
Roma 16:25a, MBB12
"to him who is able to strengthen you according to my gospel and the preaching of Jesus Christ"
Romans 16:25a, ESV2001
Mula sa orihinal na salin sa greek ay pwede din nating gamitin ang salitang 'establish' o 'establishes' na nag papakita ng active na pagkilos ng Diyos upang tayo ay manatili at maging matatag sa ating pananampalataya. Ang emphasis ay 'God is able to strengthens you', at yung source or yung way para mapalakas tayo at manatiling matatag ay ang Gospel - Ang mabuting balita patungkol kay Cristo Jesus. 'The preaching about Jesus Christ.'
Ito ay paalala na, it is not us who keep us standing in faith, it is God who keep us standing and giving us strength through the power of the gospel. At ganito tayo pinatatatag ng mensahe ng mabuting Balita ni Jesu-Cristo, It always reminds us of God's Sacrificial love.
at upang maintindihan natin ang lahat ng ito, muling nating babalikan ang ahat ng mga nabanggit ni Pablo sa mga naunang chapter,
Romans 1:16 "Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya,"
Hindi ikinahihiya ni Pablo ang mabuting balita dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas sa atin,
And verse Romans 1:18 - ch. 2, sa kabila ng ating pagiging makasalanan (ipinakita ni Pablo kung gaano kasama ang tao), hanggang sa kahit ang sarili nating konsesya ay nilalabag na natin.
And Romans 3:23, at walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
'sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. '
Romans 4:5, ang bawat sumasalampalataya ay napawalang sala hindi dahil sa pananalig nila sa sarili nilang lakas, kung sa kanilang pananampalataya sa Diyos.
'ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya.'
Romans 5:8, ganito tayo kamahal ng Diyos, 'habang tayo ay makasalanan at hindi kayang iligtas ang ating mga saliri, si Hesus ang namatay sa Krus upang bayaran ang ating mga Kasalanan'
'pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.'
Romans 4:25
'Siya'y ipinapatay dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala.'
Kaya sinagot ni Pablo ang tanong na ito, sa chapter 6,
"If we are saved by faith and grace, can we just keep on sinning?"
"Kung tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at sa kagandahang-loob ng Diyos, dapat pa ba tayong magpatuloy sa pagkakasala?"
Romans 6,
Faith produces obedience.
This is the gospel, 'Sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala at walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos, si Hesus ay bumaba dito sa lupa, namuhay ng matuwid ayon sa kalooban ng Diyos hanggang sa Kanyang kamatayan sa Krus, upang ang mga taong hindi nananalig sa kanilang sarili kundi sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay maligtas, noong mga panahon na tayo ay makasalanan at hindi kayang iligtas ang ating sarili sa kamatayan na nag hihintay para sa ating lahat nang nag kasala - ganito ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ni Hesu-Cristo.'
If you will remind yourself of the Gospel, at aalalahanin mo ang kagandahang-loob ng Diyos -ang Kanyang Sacrificial love. Hindi mo ba ito ma-aappreciate? Hindi ba ito magandang dahilan para purihin ang Diyos? ang kagandahang-loob ng Diyos -ang Kanyang Sacrificial love, Ito ang dahilan kung bakit natin karapatdapat ilaan ang ating papuri at pag samba sa Kanya lamang.
Pangalawang dahilan kung bakit natin karapatdapat luwalhatiin ang Diyos, because he reveals His eternal saving plan sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mabuting balita.
God Reveals His Eternal Saving Plan to All Nations Through the Gospel
Karapatdapat nating purihin at luwalhatiin ang Diyos dahil, Ipinakita Niya sa atin ang hiwaga na plano ng Diyos noon pa man na nahahayag na noon sa pamamagitan ng mga Propeta, ng mga Apostol at ngayon ay nahahayag na sa lahat ng bansa dahil sa Church.
'Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon, 26 subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta'
Romans 16:25b-26
Ang kamangha-manghang ni-reveal sa atin ng Diyos:
- Salvation through Christ - Kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo
- Justification by faith - pagpapawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya
- Jews and Gentiles united as one people (body) - The Church
Ibig-sabihin lahat ng nangyayari ay ayon sa Sovereign (makapangyarihan) na plano ng Diyos, kahit ang pag-tanggi ng Israel sa Diyos, ay idinulot niyang maging isang mabuting bagay para maipalaganap ang mabuting balita sa lahat ng Bansa.
Romans 9-10, Kung paano nagiging Sovereign ang Diyos sa kabila ng kalayaan ng tao.
At sa Romans chapter 11, ang topic ni Pablo ay ang Sovereignty ng Diyos sa kabila ng pagkakasala at pagtanggi ng Israel kay Jesus.
15 Kung ang pagkatakwil sa kanila ay naging daan upang ipagkasundo sa Diyos ang sanlibutan, ang muling pagtanggap sa kanila ng Diyos ay matutulad sa muling pagkabuhay ng patay!
Roma 11:15
This reveals how God is sovereign over our mistakes. Nagkamali ang Bansang Israel sa kanilang ginawa, pero hindi doon natapos ang plano ng Diyos, ginamit Niya ito para sa ikabubuti ng Sanlibutan. At hindi pa din sila iniwan ng Diyos dahil ang Diyos ay may-awa pa din sa Kanila.
Kung ang Diyos ay nananatiling tapat sa kabila ng ating pagkukulang, hindi pagiging-tapat, at ng ating pagkakasala; Kung ang Diyos ay nananatiling mas makapangyarihan sa kabila ng maraming nangyayari sa panahon ngayon. Ano ang epekto nito sa atin? Binibigyan tayo nito ng pag-asa at kapayapaan.
He is our Hope and our Peace, dahil alam natin at nakikita natin ang kanyang kapangyarihan. At ito ang ating dakilang rason upang siya ay ating papurihan.
God is Establishing us to fulfill our Purpose Through Obedience in Faith
Nararapat lamang na purihin at luwalhatiin natin ang Diyos, dahil siya ang nagpapanatili sa atin na matatag upang mafulfill natin ang ating purpose sa pamamagitan ng ating pagsunod na may pananampalataya.
'upang ang lahat ay sumunod dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.'
Romans 16:26b
Obedience in Faith
Paul has spent sixteen chapters explaining salvation at yung bunga ng salvation.
Now he is reminding us that:
- Salvation exists because of God.
- It is accomplished by God.
- It is sustained by God.
- It ends for God - to give Him glory.
'Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.'
Efeso 2:10
Ang ating ultimate purpose ay luwalhatiin ang Diyos, at ang mabubuting gawa ay bunga ng kaligtasang tinanggap natin kay Cristo.
Romans 8, Promises that the Holy Spirit will accomplish everything what God has Planned for us:
- Romans 8:1
No condemnation - wala nang pag hatol sa lahat ng sumampalataya.
- Romans 8:2
Free from Sin and Death
- Romans 8:4
God will transform us according to His will
- Romans 8:5-8
Inner Peace - through communion in God's Word
- Romans 8:9-11
New Identity in Christ
- Romans 12-17
- Eternal Life
- New Family - as children of God
- Fellow heirs through Christ
- Romans 8:18-30
- Helper, Encouragement
- Future glory
- Security here on earth
- Romans 8:31-39
- Eternal Security
- Victory - we are more than conquerors
Ang Promise ng Diyos para sa atin ay from eternity to eternity.
That is how the wisdom of God works He promised and it will not be taken, He works and it will not be shaken.
This leads us all to the ultimate reason of all, the name of God through Jesus Christ may be praise and glory forevermore.
27 Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.
27 to the only wise God be glory forevermore through Jesus Christ! Amen.
Ano pa ba ang maihahandog natin sa Diyos, kung ibinigay na niya ang lahat sa atin sa pamamagitan ni Hesu-Cristo na ating Panginoon, at nararanasan natin ang lahat ng ito ngayon dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu sa atin. God has given us security:
"28 And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose. 29 For those whom he foreknew he also predestined to be conformed to the image of his Son, in order that he might be the firstborn among many brothers. 30 And those whom he predestined he also called, and those whom he called he also justified, and those whom he justified he also glorified"
Romans 8:28-30
Ang mga taong umiibig sa Diyos ay ang Kanyang mga anak, at ang Diyos ay kumikilos actively for their good, for they are the people whom He foreknew that are predestined to be glorified. Isang napakagandang assurance mula sa Diyos na tayo ay Kanyang iniingat at pino-protektahan. Kung ibinigay na ng Diyos ang lahat ng ating kailangan upang ating maranasan ang Kanyang kaluwalhatian, ang katagumpayan sa mundong ito ang tangi na lang nating maibibigay sa Kanya ay ang ating buhay at ialay ito sa kanyang paanan ng may pagsamba at pagluwalhati. Dahil Siya ay karapatdapat. Let us all praise His name, glorify His name - the Name above all names our Lord Jesus Christ.

Post a comment