← Back Published on

When Jesus Wept

Kapag may nakita tayong umiyak, ano ang una nating dapat gawin upang malaman ang sitwasyon?

Minsan ang unang reaction ng iba, “ano naumpog ka na naman, diba sinabi ko mag iinagat ka na? Oh ano, niloko ka na ng jowa mo noh? Ilang ulit ko bang sinabi na tigilan mo na yan?”

Ano ang una nating dapat gawin? We should ask first para maunawaan at iwasan na gumawa ng konklusyon?

We should ask first at iwasan na gumawa na konklusyon.

Ganoon din sa shortest verse na makikita natin sa Bible, at kung tatanungin natin ito ay dadalhin tayo nito sa konteksto ng pangyayari at sa malalim na nilalaman ng pag tangis ni Hesus.

The verse that says 'Jesus wept'  teaches us two things: John 11:35

This verse Will give us answers mula sa kanyang konteksto upang maunawaan natin why Jesus wept.

Jesus Wept over the Grieving of People, Displays his Humanity

Why does Jesus Wept? Bakit tumangis si Hesus?

Dahil si Hesus ay tao, siya din ay nakakarandam ng pagkabagbag at habag. Jesus wept over our grieving of death.

John 11:32-33

32 Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
33 Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito.

His humanness let himself felt the trouble on people who mourn over death. Siya ay tao at Siya din ay may damdamin.

Philippians 2:6-8

6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos,
at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.
At nang siya'y maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.

Jesus willingly limits himself temporarilly and be born in a miraculous way as human.

John 1:14

14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

Siya ay isang Divine being, na bumaba sa lupa at nagkatawang tao. At ipinakita ang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng pag-sunod sa kalooban ng Ama.

What can we Learn from His life here on earth - in His humanity?

  • Jesus is Human who knows the will of God

John 11:4

Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos.

Alam ni Hesus kung ano ang kalooban ng Ama, kahit na hindi sya in full fellowship sa Diyos dahil Siya ay nananalangin at nakikipagusap sa Diyos ng madalas.

  • Because He talks to the father often

John 6:15

Napansin ni Jesus na lalapitan siya ng mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.
  •  Mark 6:46: Jesus goes up on a mountain by himself to pray after dismissing the crowds. Pagkatapos magpaalam sa mga tao, si Hesus ay mag-isang umakyat ng bundok upang manalangin.
  • Luke 6:12: Jesus spends the entire night praying, talking to God. In a place na walang makaka-abala sa kanya.

Jesus has to pray, because He limits himself that He may lived as how we lived.

Kung ginagawa ito ni Hesus, at mahalaga ito sa kanya, noong siya ay nandito sa lupa. Ibig-sabihin, mahalaga din ito para sa atin. Malalaman natin kung ano ang kalooban ng Diyos kung tulad ni Hesus ay madalas din tayong makipag usap sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at kung madalas din nating hinahayaang mangusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng pagbabasa natin ng Kanyang salita.

Tulad nga ng sinabi ng isang nursery Rhyme,

Read your bible and pray everyday as you grow. grow. grow.

Ang Salita ng Diyos ay pagkain ng ating kaluluwa, at ang Panalangin ay atin nang hininga kaya't ito'y hindi na dapat mawalay pa sa buhay ng isang nananampalataya.

ano pa ba ang bagay na maaari natin malaman sa pagtangis ni Hesus?

Jesus Wept, Displays how Compassionate God is over our Grieving

Ano ang Ginawa ng mga tao, na naging dahilan ng pag-tangis ni Hesus?

Nagbagbag muli ang damdamin ni ni Hesus, noong makita Niya si Maria at ang mga taong tumatangis sa pagkamatay ni Lazarus. Bago natin ipagpatuloy ang usapan sa damdamin ng Diyos nanakita natin kay Hesus,

Paano ba kin-claim ni Hesus na Siya ay Diyos? Si Hesus ay Diyos, at sya mismo ang nag claim nito noong sinabi Niya sa John 8:58,

"Jesus said to them, 'Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I am.'"

Kin-claim ni Hesus na Siya ang Great I am na nagpakilala kay Moises sa Exodus, kin-claim Niya na Siya si YahWeh. Nalalaman natin na naiintindihan ito ng mga Judio, dahil sa mga sumunod nilang action after marinig itong sinabi ni Jesus (John 8:59).

"59 So they picked up stones to throw at him, but Jesus hid himself and went out of the temple."

This is what I have said in one of my Essay Research Paper.

He used the phrase ἐγώ εἰμι, which means “I am,” a way of showing that His existence is eternal and not limited by time9; Second, is the way He use the word “I am”. Jesus’ use of ἐγώ εἰμί (egō eimi) in the absolute sense (“I am”) draws on Exodus 3:14 and other Old Testament passages where the phrase clearly refers to God. In using the expression, Jesus seems to be explicitly identifying Himself as Yahweh, declaring His eternality, self-existence, and changelessness, and claiming to bear Yahweh’s presence on Earth

Source:

Mark Schuyler A. Mostales, The God Whose Name Is Holy: Understanding and Applying the Third Commandment in Daily Life , 3.

Jesus is claiming na Siya ang image ni Yahweh Dito sa lupa,

Tulad ng sinabi ni Apostol Pablo, Colosas 1:15

"Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita."

Nakita din ito ng maraming tao sa panahon nila Martha and Maria noong tinawag niya si Lazaro at muling nabuhay:

Juan 11:38-44

38 Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato. 39 “Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus.
Ngunit si Martha na kapatid ng namatay ay sumagot, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”
40 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?” 41 Kaya't inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo ako, 42 at alam kong lagi mo akong dinirinig. Ngunit sinasabi ko ito dahil sa mga taong naririto, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.” 43 Pagkasabi nito ay sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!” 44 Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa; may nakabalot ding tela sa mukha niya. Inutos ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at nang makalakad siya.”

Jesus was moved with compassion kaya Siya tumangis, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit niya muling binuhay si Lazaro.

Juan 11:11-15

11 Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”
12 “Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad.
13 Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito. 14 Dahil dito'y tuwirang sinabi ni Jesus, “Patay na si Lazaro; 15 ngunit dahil sa inyo, ako'y nagagalak na wala ako roon, nang sa gayon ay sumampalataya kayo sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”

Juan 11:4

Hinayaan ni Hesus na mangyari ang dapat mangyari, kahit sa sobrang pagmamahal Niya para kay Lazaro, hindi Siya bumisita kahit may sakit si Lazaro.

Kung si Hesus ay naroroon sa tabi ni Lazaro habang siya ay may sakit, maaring ang compassion ni Hesus para sa kanya ay magdulot ng pagpapagaling sa kanyang sakit, maaring ito ay isang himala na mapagaling si Lazaro sa isang malalang sakit, pero upang maipakita ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos na nasa Kanya. Iniwasan Niyang pumunta kay Lazaro hanggang dumating ang tamang panahon upang maipakita ni Niya ang isang Himala na hindi kayang gawin ng kahit na sino.

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos sa harapan ng maraming tao, noong si Lazaro ay muling nabuhay. Only God can overcome the power of death. Sinong tao ang nangako na kaya niyang bumuhay ng patay, at sinong tao ang nangako na siya ay mamamatay at muling mabubuhay, na nangyari? Wala. Only Jesus.

Sa Imahe na ito na ipinakita ni Hesus, we know, God grieves when we mourn.

And God grieves when we doubt His existence, when we say 'I believe in you', but are not remaining in truth.

Tulad ni Marta, masyadong natakluban ng emosyon at kalungkutan ang kanyang damdamin at hindi niya naintindihan ang sinabi ni Hesus noong sinabi niya na muling mabubuhay ang kanyang kapatid.

Juan 11:23-27

23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus.
24 Sumagot si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.”
25 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; 26 at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
27 Sumagot siya, “Opo, Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Cristo, ang Anak ng Diyos na inaasahang darating sa sanlibutan.”

Read your bible and pray everyday. Yan ang application natin kanina.

You will grow more when you believe in it and apply it in your life.

Believe it and apply it in your life.

Sa maikling verse ng John 11:35, nakita natin na si Hesus ay truly God and truly man.

By this, we know, na narandaman din Niya ang hirap ng pagiging tao, kasama pa doon ay ang damdamin ng Kanyang pagka Diyos para sa sangkatauhan.

Jesus knows the will of God because He prays to the Father, kahit na nilimit Niya ang kanyang sarili sa kanyang katauhan, isang bagay na dapat nating tulad. Read your bible and pray everyday, believe in the power of God in Christ and you will experience it.

Nakita natin ang ang pagkahabag ng diyos para sa ating kanyang mga minamahal